a month or so ago, i joined the Banana Peel Flip Flops Design Your Own Flip Flops Contest. Well, yeah, i won. Consolation prize lang, pero, ayos na ayos na rin. The team even encouraged me to join the next contests they're planning. And what's more, is that the team recognized my design even though i wasn't quite finished with describing in and all. Inunahan pa nga ako nung isang girl. Ako lang daw kasi ang gumawa ng ganun. O diba? XD So right now, im really really proud na kahit consolation lang e maganda naman naging experience ko. At least diba.

Bukas, enrollment nanaman. At habang kasalukuyang stranded si gen-kun  sa Lucena kasi naman di makakaenroll, e ayan siya at nagaayos ng blog niya. Naku, naiwan pa ang charger at salamin sa Gumaca, tama ba naman yun. huhu DAYA. Sayang unli. Mamaya wala nanamang baterya cp nun. T_T at ayan, nagaayos parin at kung ano anong mga idea ang umaaligid sa utak. XD TSK! XD (peace tayo bebe. kelangan lang ng mapaglalabasan. XD kasi naman, dapat dinadala ang charger. kung damit nga meron ka. XD haha mangsermon ba? XD)

ayun. wala nanamang magawa dito sa bahay. Lagi nalang ako nasa tapat ng pc, nag-si-CG. mga practice. sana naman mabilan na ako ng tablet. XD para dumali dali naman buhay ko. kakainlanganin ko rin yun sa mga susunod na taon sa CFAD. At siyempre sa pagtrabaho na rin. balak namin ni paul na bumuo ng kompanya. haha. XD grabe. comics. drawing. cg. buhay na namin to.  

Currently listening to: 311 - Love Song
Currently feeling: grateful
Posted by searchmysoul on May 30, 2007 at 01:32 PM | 1 *purrs*

ayan, malapit na ang pasukan, at naku, di parin ako nakakatikim ng tubig alat. magbabad nalang kaya ako sa drum ng tubig?

 napasa ko na yung entry ko sa banana peel. at masaya ako sa kinalabasan ng gawa ko. kahit na nilait lait pa yun ng tatay ko e ok lang. sanay na naman ako. di ko na naman makukuha atensyon at approval niya. kaya ok lang.

anyway, ayan, napasa ko na nung sabado. kinakabahan ako. kahit kaunti umaasa akong manalo. kahit consolation prize lang po. ^^; haha. sino ba naman ang hindi diba?

balak ko sana ngayong bakasyon magpinta. e kaya lang, nangunguna ang katamaran at wala parin akong nagagawa. boring talaga, grabe. na kahit pagpost e tinatamad na rin ako. paalam! =p

Currently feeling: ÜBERLY BORED
Posted by searchmysoul on April 30, 2007 at 03:45 PM | Add a Purr

april na, at ngayon lang ulit nakapagpost ulit. tagal na no?

 eto, bored na bored.. nung april 7 at 8 nasa batangas kami. sa leisure park, kela tita pressy, ex wife ng pinsan ni mama. me bahay yung kapatid niya doon kaya naimbitahan kami para mag-overnight para sa easter sunday. dapat magsswiming kami. kaya lang di natuloy ng sabado ng hapon. kasi una, maraming tao. puro bata halos. me nagcompany outing ata at napakarami nila. pangalawa, mukhang masyado silang nag-enjoy sa pagsiswimming at naku, di mo na halos makita yung ilalim ng pool. sabi nila ate manang dapat maglilinis sila ng mga hapon para makalangoy kami. (o diba, special guest pa at paglilinis pa ng pool. ^^) kaya nga lang, ng aahon na sila, may mga lumusong ulit. in fairness, barkada naman. at napakaswit ng mag-labidabs sakanila. sumusulok pa at naghahalikan. PDA to the max. ayun nalang ata napanood namin. haha at puro bata pa and andun ha. o diba. biruin mo rin, mga 4 ng hapon kami pumunta sa club house pero mga 7 na ata kami sinundo. mabuti naman at kinabukasan noon e nakapagtour kami sa organic garden. garden na nga, organic pa. ano pa bang hahanapin mo? XD kasi naman daw ang ginagamit nila mga compost ng organic worms. biruin mo, pati pala worms organic na rin? nakakamangha doon yung mga halaman at mga prutas at gulay. mga na-mix breed kung baga. ang lalaki. nakakatuwa talaga. sa sobrang tuwa ko na-hyper nanaman ako at nagsisikuha ng pictures. pati ako nakuhaan ng tatay ko bilang ebidensiya ng kahayperan ko. (me picture pa ako na tumatalon kami ng nanay ko. yung tipong epek na lumilipad. haha. grabe. buti nalang at di mauupload yung pictures dahil topak ang pc ko. swerte ko naman at walang blackmail.) meron din doong coffee beanery. ay, bago ko malimutan, may isa pang organic na grabe talaga. ORGANIC CHICKENS ba naman. yung mga sisiw nila kasing laki ng inahin na makikita natin dito. ganun sila kalaki. XD super chicken ba.

ayun, matapos ng bakasyon na yun e nabubulok na ako sa bahay. puro gising-kain-pc-ps-kama-sofa-tv-kain-tv-kain-tv-tulog ako. di ko na rin magawa ang binibalak kong pagpapapayat. sobrang init sa bahay na di ka na halos makagalaw. swetehan nalang talaga at napapadpad kami sa sm ng nanay ko. exercise na naman ang paglalakad at window shoping diba? nabili pa ako ng chucks na bago.  at bago nga pala matapos ang klase nakapagkulay ako ng buhok. burgundy na may highlites na pula. nagpapaka-emo nanaman ako. di ko na talaga maiwasang magpaka-jrock at college na. malaya na ako woohoo!

may contest ang Banana Peel Flip Flops ngayon. magdedesign ka ng sarili  mong tsinelas. yun lang bibili ka pa. pero sana manalo. para magkapera naman ako. ^^;;; me wishlist rin naman ako. at isa pa, gusto ko na bilan ng regalo ang sarili ko. magdedebut na ako sa september. at di ko pa naiisip kung anong theme ko sa party. kung glam rock ba o cosplay o traditional japanese ba o ano. pero ang pinakagusto ko sana, glam rock o kaya beach party. walang magulang.

 

naku, sana naman makapunta na ako ng dagat. nanunuyo na mga kaliskis ko. di na tutubo buntot ko kapag di pa ako makakauwi sa dagat at mabisita ang mga isda. :] 

 

at paul, pinaghahandaan ko na pagtutuos natin sa guitar hero. 

Currently feeling: bored
Posted by searchmysoul on April 20, 2007 at 11:09 PM | Add a Purr

naku naman, tinatamaan na ako ng katamaan. tinatamad na talaga ako gumawa ng plates. parang paulit-ulit nalang yung mga pinagagawa na nauubusan na ako ng creative juices sa katawan.. isa pa, pagod na rin talaga ako.. ang labo na ng schedule na di na alam kung may pasok minsan o wala. iaannounce na wala tas maya maya magtetext na kailangang nasa school ka na sa ganitong oras. naku naman.

yikee kakatapos lang ng valentine's.  at for the first time may mga nagbigay sakin ng roses. una si jeric. white binigay niya. umagang umaga yun! tas si jeri, panira yung sticker ng APO sa baba ng plastik. si angel naman nagbigay ng mga chocolate na siya gumawa. o diba saya. ^^

nung tuesday nagka-physical exam kami. una dental na nganganga ka lang ng 3 secs tas ok ka na. tas sunod bp tas xray. wala ngang kapapang nangyari (buti naman), pero dalawang lalaki yung nag-xray samin. siyempre me gown kaming mga babae pero nakahubad yun. ladkit ng tingin ng isa sa mga babae. grabe.

 

naku. ^^;;;

Currently feeling: tired
Posted by searchmysoul on February 22, 2007 at 05:51 PM | Add a Purr

Bad trip.

Lunes. Nakakagulat at apat apat na ang guards sa main entrance ng Beato Angelico Building (College of Fine Arts and Design at Architecture Building ng UST). Andaming Bawal. Bawal na ang hindi leather shoes. Bawal na ang hindi slacks. Hello, FYI lang po ser, fine arts po kami. Koneksyon? Di ba dapat nga wala kaming uniform kasi nadudumihan kami ng pintura? Lahat nalang gastos. hay. Pati buhok nalang.

Nagreklamo daw ang Regent ng Fine arts kung bakit ba daw ang sama tignan at ang pangit ng mga studyante. E hindi ba kami ang mga artist na may mahusay na mata para sa kagandahan? Bawal na raw ang may mahabang buhok sa lalaki kahit na ok naman. Si ser Buen nga sinita nung lunes. May prof pa daw na nakipag-away nung Lunes.

 

...Badtrip.

Currently feeling: sick
Posted by searchmysoul on January 28, 2007 at 02:41 PM | Add a Purr
« Newer · »